May isang magsyota dati na kasali sa isang mountaineering group. Isang araw, habang nasa camping ang grupo ay kinailangan ng babae na maiwan sa base camp dahil sa slight injury niya sa katawan. Natuloy ang grupo sa pag-akyat kasama ang kanyang boyfriend at naiwan syang mag-isa sa base camp.
Umabot ng limang araw bago makabalik ang grupo at laking pagtataka niya na hindi kasama ang boyfriend niya. Tinanong niya kung nasaan ito at ang tanging sagot nila ay "Nagkaroon ng landslide sa itaas at natabunan ang boyfriend mo, hindi siya nakaligtas."
Ngunit hindi matanggap ng babae ang kwento ng grupo. Nang gabing natutulog na ang lahat sa base camp, parang may nag-uudyok sa kanyang umalis sa base camp upang maglakad-lakad. Laking gulat niya ng makita niya ang kanyang bf na gumagapang at puno ng lupa ang katawan at sinabing "Buti nakita kita, nagkaroon ng landslide sa itaas ng bundok, namatay silang lahat, ako lang ang nakaligtas."
SINO ANG PANINIWALAAN MO?
SINO ANG PANINIWALAAN MO?
Reviewed by Anonymous
on
October 20, 2010
Rating:
No comments: